Loading...

You Oughta Know

This is kind of a post-turned-meme. Basically, Daniel Jr got this from Jod and then, I liked the idea so I'm posting this on both my M...

This is kind of a post-turned-meme. Basically, Daniel Jr got this from Jod and then, I liked the idea so I'm posting this on both my Multiply blog and main blog located at Inghinyero.

To the Blogger:
1. Write 15 statements for fifteen different people.
2. Post this with no names of whom you dedicated your fifteen statements too.
3. If someone asks them if it is them who you're referring to, don't answer them.

So here are my fifteen anonymous "short dedications"...

1. Hey there. Yes, you. The one with the guitar. Ambait mo. Sobrang I appreciate it when you "try" to listen sa mga "problems" ko which I always confide to you. Hindi mo ba napapansin na palagi kong sinasabi sa iyo mga problema ko, its because I know that you're matured enough to handle the situations and I know that you won't forsake me sa mga alam-mo-na, katangahan ko lalo na sa lovelife.

2. Alam mo nami-miss ko 'yung closeness natin. Lately kasi, maangas ka na at 'di maabot. Dati, buddy-buddies pa naman tayo at magkaklase. Ngayon, medyo naiirita ako kasi parang ibang-iba ka na.

3. Alam ko namang 'di ako ang pinangarap mong makasama nang isang semestre pero mabait naman ako. Masyado ka lang mapili at maselan. Sana naman ngayon, maging magkaibigan na tayo ng lubusan.

4. Hey. Alam mo na-aappreciate ko kung pa'no mo ako ipagtanggol kay ano. Kasi naman gags talaga 'yun. Iba kasi kapag dati 'di naman talaga tayo ganun ka-close. Imagine 4 years na away-bati tayo. Tapos ngayon, parang na-develop bigla friendship natin. Thanks dahil na-appreciate mo at na-understand mo ako.

5. Alam mo 'nung nakilala kita dun sa laro, hindi kita nagustuhan masyado pero you're more than that pala. Mabait at ate-atehan. Thanks for making me feel good kapag may love problems at pagbibigay sa'kin ng kung anu-ano para matulungan ako. You're my online big sister, even if di mo alam :-)

6. Pare, salamat sa pagtitiwala. Alam mo na 'yun. At 'di ako ganun.

7. Nako, antaray mo naman. Akala ko pa naman dahil nga ngayong magkakilala tayo ay magiging "in good terms" tayo pero mukhang ayaw mo akong kaibigan.

8. Mahal kita, hanggang ngayon. Taenangshit, 6 years na. Tapos, si ano pa, nasa ano. Hindi ako nagpapakaplastik sa kanya pero tinatanggap ko na lang na mahal mo sya at ako ay wala lang sa'yo.

9. Mag-usap na tayo. Na-mimiss na kasi kita at 'yung texts mo. Hindi ko alam kung anong gagawin ko para lang maitama ang nasabi ko sa'yo. Again, sorry na. I don't want not to talk to the person I once ...

10. Alam mo, hindi lang ikaw ang na-mimiss ko pero buong Bogeez. Miss ko na si Gee Ann at si Bodie dude.

11. I love you. Please always take care. God Bless! Ingat kayo parati diyan.

12. Alam mo dati may crush ako sa'yo kasi ang galing-galing mo sa Photoshop. But, sabi nga ng kaibigan kong magaling, hinding-hindi ka magkakagusto sa'kin kasi siya nga di nagkagusto sa'kin so ayun, dumidistansiya ako kasi baka magustuhan pa kita lalo. Shorttime lang naman 'to. Sana 'di mo ako makalimutan kapag sikat ka na. :-)

13. Dati, idol ko ang blog mo. Wala lang. Ang astig mo kasi. Pero 'nung nikakausap kita ay medyo tinatamad ka atang kausap ako. Sorry ah. Ayun lang naman.

14. Alam mo palagi kong sinusubaybayan ang blog mo, ang cool mo kasi mag-write. Pero may nakapagsabi sa akin na may pagka-berde daw dugo mo, totoo ba 'yun? Hanggang ngayon ay di ako makapaniwala.

15. Ikaw naman, minsan ka lang mabiro. Alam mo kaya ako ganyan sa'yo at tinutukso kita parati kahit patpatin ka't lahat ay may gusto ako sa'yo. Hindi mo mahalata kasi manhid ka at gusto mo ang gusto mo na ayaw sa'yo at nagpapakatanga ka para di 'yun makita. Argh.

The Network 1226607300332439922

Post a Comment

Home item

ADS

Popular Posts

Random Posts

Flickr Photo