Ma'am Jo
Marahil sa marami sa atin, ang hayskul ang pinakamasayang panahon ng ating pag-aaral. Marami tayong nakikilala na tunay namang nagbibigay-in...
https://inghinyero.blogspot.com/2009/06/they-hate-us.html
Marahil sa marami sa atin, ang hayskul ang pinakamasayang panahon ng ating pag-aaral. Marami tayong nakikilala na tunay namang nagbibigay-inspirasyon at impluwensiya sa ating buhay.
Tinuring kong purgatoryo ang hayskul. Isang phase. Isang lugar kung saan lahat ng kaalaman at nalalaman ay akin munang kinikilatis at iniipon. Isa-isa, akin itong binubulay-bulay dahil alam kong pagkaraan ng apat na taon ay hindi na lang ako namumuhay para sa aking sarili lamang. Isa na akong ganap na indibidwal - na dapat ay may tamang pag-iisip para na din sa mundong aking ginagalawan.
Siya ang pinaka-kinaaayawang guro sa paaralan. Ako naman ang pinaka-kinaaayawang estudyante roon.
Istrikta siya. Mushy sabi ng iba. Sino nga naman ba ang taong hanggang sa ngayon ay saulo ang Florante at Laura? Matinding pilosopiya sa panitikan at pag-ibig ang kanyang parating bigkas. Hindi naniniwala ang lahat sa kanyang malawak na kaalaman sa ugnayang panitikan at pag-ibig. Sino nga naman ba ang taong maniniwala sa isang taong inialay ang buong buhay sa pagtuturo, hindi na nakapag-asawa sa pagmamahal sa panitikan at sa kanyang trabaho?
Ako.
Isa akong self-centered na estudyante. Hindi ako mahilig sa panitikan o kung anomang kakornihang nakapaloob dito. Mula pagkabata, umikot ang buhay ko sa matematika at agham. Hindi ako magaling magsulat. Hindi ako matalim magsalita. Sino nga naman ba ang maniniwala sa isang taong puro pag-aaral lang ang iniisip at walang konsepto ng kasiyahan? Ako ang batang pinagtatawanan, kinukutya at pinagkakaisahan. Wala akong lakas ng loob para lumaban. Sino nga naman ba ang titingala sa isang taong mahina, at walang maipagmamalaki?
Siya.
Kahit na ayaw ko, pinahawak niya ako ng pluma. Pinadatal niya sa aking mga kamay ang halaga ng pagsusulat. Hinawakan niya ang aking kamay ng lubos para yakapin ng aking mga daliri sa tuwina ang pluma. Sa isang ballpen ko natagpuan ang lakas at kapangyarihang di ko man dati tinataglay. Nakuha ko ang lahat ng hinanakit at damdamin na parating nagpapatamlay sa aking puso, na umalis sa aking sistema at idatal sa aking papel.
Isang koneksyong hindi ko nakita sa iba kong mga guro.
Walang may-alam na ako'y nagsusulat ng mga panahong iyon. Siya lang. Ikalawang taon sa hayskul at hindi pa kami pinahahalagahan o binibigyang-atensyon. Ito ay ang panahong si Rommel ay isa lamang Math Quizzer at History Quizzer. Ngunit sa mga oras ng aking pagmumuni-muni, minahal ko ang pagsusulat, na pinaigting ng aking butihing guro. Ang gurong nagbigay-lakas sa akin na marami akong maipagmamalaki - na hindi lang ako isang geek sa paaralan. Isa din akong estudyanteng may makabuluhang pananaw sa buhay.
Sinolusyonan niya ang aking problema. Binigyan niya ako ng kalayaan kahit sa pagsusulat ng mga artikulong siya lang ang alam kong nakakaunawa.
Sa bawat break, palagi akong pumupunta sa kanya, ipinapakita ang mga artikulong aking nagagawa sa mga oras na wala akong mapaglibangan. Isang saya sa kanya ang aking pagkukusa at ang puso sa bawat marka ng ink na inukit ng aking isipan sa papel. Hindi ko lubos maisip na si Ma'am ay may malambot din palang puso. Hindi ko din lubos maisip na mayroon siyang siyang makikita sa aking mga naisulat.
Siguro, naturuan namin ang isa't isa. Tinulungan ko si Ma'am na maging mas maayos ang pakikitungo sa mga estudyante. Naging ina siya naming lahat. Ngayon, hindi lamang ako ang nakakakita ng kanyang likas na kagalingan at kalooban. Walang estudyante ang di nakakakilala sa kanya.
Hindi nawala ang aking kinang sa mga agham at matematika. Ngunit, hindi nawala ang oras ko para sa pagsusulat. Sa aking palagay, ito ang tanging bagay na hindi ko dapat mapakawalan. Regalo sa akin ng hayskul - isang bagay na aking napag-aralan. Aplikasyon na din ng obserbasyon at aking mga nakikita sa bawat araw ng aking buhay.
Ngayon, lahat ng mga kaalamang aking nakuha mula sa aking pagkabata at hanggang sa pagbuo ko ng mga ideolohiya at konsepto sa buhay, aking isinusulat. Marami pang mararating aking mga kamay at ang hawak nitong pluma. Malawak pa rin ang lugar para sa ikauunlad ng aking pagsusulat.
Ngayon, malaya kong nahaharap ang mga tao. Walang takot at kayang lumaban. Nahugot ko ang tiwala sa aking sarili mula sa pagsusulat. Tinuruan niya akong bumalikwas sa dati kong mga pinaniniwalaan. Tinuruan niya akong manindigan batay sa aking obserbasyon at hurisdiksyon.
Salamat sa aking gurong tawagin na lang nating Ma'am Jo. Naging kasangkapan ka sa pagpapabuti ng buhay ng maraming tao katulad ko.
---
This is an entry made for the contest at Teacher Ria AND if you want to join and honor you most unforgettable teacher, then click here.

Post a Comment