CSSP Student Council Responds on Black Prop Against Them [About Steph Tan]
Sagot sa mga paratang sa CSSPSC Hindi mananahimik na lamang ang CSSP Student Council (CSSPSC) sa pambabastos ng mga kapartido ni Steph Tan, ...
https://inghinyero.blogspot.com/2008/03/cssp-student-council-responds-on-black.html
Sagot sa mga paratang sa CSSPSC
Hindi mananahimik na lamang ang CSSP Student Council (CSSPSC) sa pambabastos ng mga kapartido ni Steph Tan, nanalong INDEPENDENT na CSSPSC Chairperson nitong nakaraang taon na ngayon ay tumatakbo para sa posisyong USC Chairperson sa kanyang partidong KAISA. Pambabastos ito hindi lamang sa iilang tao kundi pati sa mga walang kinalaman sa madumi nilang uri ng pulitika.
Umikot sa ilang e-mail groups ang mga mensaheng puno ng walang batayan at walang tuntungang paratang sa CSSPSC, laluna sa mga miyembro nitong kabilang sa BUKLOD CSSP at ALYANSA. Nagpapalaganap daw ng BLACK PROPAGANDA ang mga miyembrong ito sa pagsasabing walang nagawa si Steph Tan. At ang sagot nila sa sinasabing “black propaganda” na ito? Hinarang daw ang mga proyekto ni Steph Tan kaya hindi ito napatupad.
Isa itong kalapastanganan sa istruktura ng konseho. Hindi haharangin o pipigilan ng konseho ang proyektong ikabubuti ng mga mag-aaral, at hindi totoong hinarang ng mga kasapi ng BUKLOD CSSP sa CSSPSC ang mga proyektong ito. Sadya lamang na hindi ito maisagawa dahil CSSP ADMINISTRATION ang mismong nagsasabing HINDI ITO MAGAGAWA NANG BASTA-BASTA, tulad ng nais ni Steph na WiFi Connection sa CSSP na “makakataas lamang sa konsumo ng kuryente ng Palma Hall na madalas ay dinadatnan ng brown-outs dahil sa kalumaan ng pasilidad” (ayon sa pakikipag-usap ni Missy Gonzales, CSSPSC SecGen sa Admin). Hindi rin pinayagan na magkaroon ng “student lounges” sa labas ng mga classroom dahil ayaw ng administrasyon ng CSSP na magulo ang kasalukuyang kaayusan sa Palma Hall. Malinaw na hindi ito hinarang ng mga kasama niya sa CSSPSC; pagkakataon na mismo ang pumigil sa isang proyektong maaaring kasasama pa lalo sa CSSP.
WALANG KATOTOHANAN ang mga paratang na hindi siya iginagalang ng CSSPSC. Lubos na iginagalang ng CSSPSC ang mandatong ibinigay sa kanya ng mga mag-aaral noong tumakbo siyang Independent noong nakaraang taon. Ang mga paratang na hindi siya pinapipirma sa mga liham ng CSSPSC ay wala ring katotohanan; madalas na wala si Steph Tan sa CSSPSC Office sa tuwing kailangan siyang pumirma sa mga liham, at upang hindi maantala ang mga gawain ng CSSPSC ay pinipirmahan na lamang ang ngalan niya na hindi naman niya ikinagalit o ikinasama ng loob noon.
Madalas na wala si Steph Tan sa mga prodworks ng CSSPSC na iniiskedyul sa mga araw ng Sabado at ginagawa sa CSSPSC Office. Hindi totoong iniiba ng ilang miyembro ng CSSPSC ang araw o lugar ng prodwork dahil wala pang pagkakataong naiba ng araw o lugar ang prodwork ng CSSP.
Hindi naming nakitang sagka sa mga proyekto ng CSSPSC ang madalas na pagkawala ni Steph Tan, na ayon sa kanya ay “valid” ang dahilan — nasa Singapore siya, nagscuba diving siya, nagpakulay siya ng buhok, at iba pa. Kahit na marami sa mga proyekto ng CSSPSC ang naantala at/o hindi naituloy dahil sa pagkawala/hindi pagganap ni Steph Tan sa kanyang tungkulin (Muntik na pagkaantala ng Brain Squeezer ng Academic Circle; Information Dissemination para sa CSSP Dean Selection; hindi paglabas ng Sanggunian dahil sa hindi niya naasikaso ang mga write ups na nasa kanya; huling paglabas ng statement ukol sa frat violence at sa pagkamatay ni Cris Mendez; hindi pagpunta sa mga "clean-ups" ng council, at iba pa), pinilit ng natitirang bahagi ng konseho na magpatuloy sa trabaho. Hindi na namin ito ginawa pang malaking isyu sapagkat ayaw naming maantala ang mga proyektong napagplanuhan ng CSSPSC bago pa man magsimula ang semestre. Isa itong kalapastanganan sa responsibilidad ng CSSPSC na maglingkod hindi lamang upang makilala kung hindi maglingkod dahil naatasan tayo ng mga mag-aaral ng kolehiyo.
Isa itong panawagan sa mga sumusuporta kay Steph Tan, na huwag bastusin o paratangan ng kung anu-ano ang CSSPSC na pinamunuan niya sa loob ng isang taon. Hindi ito patas para sa mga tunay na nagtrabaho sa CSSPSC, mga nagpagod at nag-ubos ng oras para lamang sa ikabubuti ng mga mag-aaral nito. Si Steph Tan ang CHAIRPERSON ng CSSPSC at iginagalang namin ang mandato niya. Hindi na namin kasalanan ang mga pagkukulang niya sa CSSPSC dahil hindi namin ito ginawang dahilan upang hindi kami magtrabaho sa konseho.
Bukas ang katitikan (minutes) ng aming konseho sa lahat ng gustong tumingin dito. Dahil hindi tulad ng ilan, OPISYAL at NAKASULAT ang aming batayan. Hindi SABI-SABI lang. Ito ang katotohanang pilit na binabali para lamang sa ikabubuti ng iilan.
John Lee Candelaria Konsehal, CSSPSC 07-08
----
May BLACK PROPAGANDA din daw ang mga pula sa Alyansa. KEBS lang. :D Alyansa pa din. At least, sila hindi DESPERADO, PATAS lumaban at DI NANINIRA NG IBANG TAO.
Asan na ang DEMOCRATIC RIGHTS na pinaglalaban ng mga pulang yan! ASAN NA?
How desperate. How low.

Post a Comment